176 nawawalang balota, naitala sa Naguilian, Isabela

Hindi bababa sa 176 balota ang napabalitang nawawala sa Barangay Rang-ayan sa bayan ng Naguilian sa Isabela.

Dahil dito ay napilitan ang electoral board na dalhin ang mga rehistradong botante sa apat na kalapit na barangay upang makabato.

Nagresulta ito sa pagpapalawig ng voting hours sa lugar na dapat ay matatapos ng 7PM.


Kabilang sa mga barangay na nilipatan ng mga botante ng Brgy. Rang-ayan ay ang Flores, Santo Tomas, Manaring at Aguinaldo.

Sinabi naman ni Isabela provincial election supervisor Atty. Michael Camangeg, bahagi ito protocol ng Commission on Elections sakaling makapagtala ng nawawalang balota na gagamitin ng mga botante.

Facebook Comments