Friday, November 27, 2026

Sen. Robin Padilla, mas gustong ICC ang mag-iimbestiga sa kaniya

Mas gusto umano ni Senator Robin Padilla na ang International Criminal Court (ICC) ang nag-iimbestiga sa kaniya.

Sa gitna ito ng kinakaharap niyang reklamo sa Department of Justice (DOJ) kaugnay sa pagtulong umano niyang makatakas sa kustodiya ng Senado si Sen. Bato dela Rosa.

Sa ambush interview bago ang preliminary investigation sa DOJ, sinabi ni Padilla na “depressing” umano na kapwa Pilipino ang nag-iimbestiga sa kanya.

Dati nang sinabi ni Padilla na naiinggit umano siya kay Dela Rosa na tinutugis ngayon sa bisa ng warrant mula sa ICC.

Inihalimbawa pa niya noon ang nangyari sa kasaysayan na pagpaslang sa bayaning sina Macario Sakay at Andres Bonifacio.

Samantala, hindi pa raw nakakausap ulit ni Padilla ang kaibigang senador at hindi raw tiyak kung lilitaw ito sa Senado kapag malapit nang matapos ang impeachment trial ng kaalyadong si Vice President Sara Duterte.

Facebook Comments