Isang barangay tanod, kritikal matapos pagbabarilin sa Cebu City

Isang barangay tanod ang nasa kritikal na kalagayan matapos pagbabarilin sa harapan ng Zapatera Elementary School sa Cebu City kagabi.

Kinilala ang biktima na si Bryan Mabaga, barangay tanod ng Brgy. Lorega na idineploy sa naturang polling center.

Ayon kay Cebu City Police Office deputy director Police Lieutenant Colonel Ryan Devaras, kumakain ang biktima kasama ang kapwa tanod nang may dalawang lalaki na nakasakay sa motorsiklo ang pinagbabaril ito ng ilang beses.


Idinala ito sa pinakamalapit na ospital matapos makapagtala ng tama ng bala sa tagiliran at leeg.

Tinitignan ng mga pulisya kung may nakaalitan ito bilang motibo sa likod ng pamamaril.
.

Facebook Comments