18 anyos na Lalaki, Arestado sa Pag-iingat ng Baril!

87

*Cauayan City, Isabela- *Arestado ang 18 anyos na binata matapos masamsaman ng iligal na baril sa isinagawang entrapment operation ng mga otoridad sa Brgy. Villasis, Santiago City.

Kinilala ang suspek na si Bryan Reyes, binata at residente ng Research, Minante 1, Cauayan City, Isabela.


Nakuha mula sa pag-iingat ni Reyes ang isang Caliber 38 Shooters, dalawang piraso ng limang daang piso at isang bundle ng boodle money.

Nasa pangangalaga na ng CIDG SCFU ang suspek para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments

From Advertisers