Mga volunteers na tumulong sa COVID-19 national vaccination days, pinasalamatan ni Pangulong Duterte

86

Nagpasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng volunteers at mga nakiisa sa isinagawang national COVID-19 vaccination drive ng pamahalaan.

Sa kaniyang Talk To The People Address, sinabi ng Pangulo na umaasa siyang magiging ganito rin katagumpay ang second phase ng vaccination days na gaganapin sa Disyembre 15 hanggang Disyembre 17.

Matatandaang umabot sa 10.2 million indibidwal ang naturukan ng COVID-19 vaccines sa extended na ‘Bayanihan, Bakunahan’ noong nakaraang linggo.


Bago niyan, mula sa 15 million ay ibinaba ng pamahalaan sa 9 million ang kanilang target na bilang ng mababakunahan noong Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.

Facebook Comments