Nananawagan ng tulong ang 18 mag-aaral sa kolehiyo matapos masunog ang kanilang tinutuluyang boarding house sa Brgy. Namagbagan, Sta. Maria, Pangasinan noong gabi ng Marso 14, 2026.
Ayon sa ulat, bandang alas-siyete ng gabi nang sumiklab ang sunog sa nasabing boarding house malapit sa Pangasinan State University – Sta. Maria Campus.
Bagama’t ligtas ang lahat ng estudyante, natupok naman ng apoy ang kanilang mga gamit tulad ng uniporme, damit, school supplies, at iba pang personal na kagamitan.
Sa kasalukuyan, humihingi ng tulong ang mga apektadong estudyante upang makabangon at maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.
Kabilang sa mga pangunahing pangangailangan ang mga damit, pagkain, hygiene kits, at school supplies.
Tumatanggap ng cash donations ang mga biktima sa pamamagitan ng online financing app, gayundin ng in-kind donations na maaaring dalhin sa Student and Alumni Affairs Office o Supreme Student Council Office ng kanilang kampus. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










