OPERASYON NG MGA FISH CAGE SA SUAL, TINIYAK NA NAAAYON SA ITINAKDANG REGULASYON

Siniguro ng lokal na pamahalaan ng Sual na naaayon sa itinakdang pamantayan ang operasyon ng mga fish cage headquarters sa bayan matapos magsagawa ng monitoring at inspeksyon ang iba’t ibang tanggapan at katuwang na ahensya.

Katuwang sa isinagawang inspeksyon ang Business Permit and Licensing Office, NBI, PDEA, BFP, PNP, at iba pang lokal na opisina upang silipin ang pagpapatupad ng mga regulasyon para sa kaligtasan, kalusugan, at kaayusan.

Layunin ng hakbang na matiyak na sumusunod sa batas ang mga operasyon habang pinangangalagaan ang kalinisan at responsableng paggamit ng likas na yaman sa bayan.

Patuloy naman ang koordinasyon ng pamahalaan at iba pang sektor upang mapanatili ang maayos, ligtas, at disiplinadong operasyon ng mga fish cage sa Sual. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments