Pagharang naman ng Korean Embassy sa anggulong may kinalaman ang Korean Mafia sa kaso, kinuwestyon ng DOJ

30

MANILA, PHILIPPINES – Kinuwestyon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang pagharang ng Korean embasy sa anggulong may kinalaman ang Korean mafia sa Jee Ick Joo Kidnap Slay Case.

 

Ayon kay Aguirre, may hawak kasi silang impormasyon na may kalaban sa Korean mafia si Jee.

 

Bukod dito aniya ay may info rin silang may malalaking Koryano ang sangkot sa Korean mafia kaya nahihirapan sila sa imbestigasyon.

 

Aminado naman si Sr. Supt Albert Ignatius Ferro na may ilang tauhan ng Philippine National Police at National Bureau of Investigation talaga ang sangkot sa kidnap for ransom activities base sa kanilang imbestigasyon sa PNP Anti-Kidnapping Group    



Facebook Comments