Isinagawa ang aktibidad bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-32 National Crime Prevention Week, na naglalayong ipakita ang kahalagahan ng pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya,
civic groups at stakeholders sa pagtugon sa pangangailangan ng mga komunidad na nakararanas ng pagsubok.
Binigyang-diin din sa aktibidad na ang crime prevention ay hindi lamang nakatuon sa pagpapatupad ng batas, kundi kabilang din ang pagtulong sa mga pamilyang nangangailangan, pagpapalakas ng community resilience at pagtataguyod ng pagkakaisa ng mga institusyon para sa kapakanan ng publiko.
Pinangunahan ng National Police Commission Regional Office 1 o NAPOLCOM RO1 ang aktibidad, katuwang ang Police Regional Office 1 o PRO1, Officer’s Ladies Club Foundation, Inc. – PRO1 Chapter, Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 1, Department of Migrant Workers, Department of the Interior and Local Government, Rotary Club of Metro San Fernando City, La Union Police Provincial Office at City of San Fernando Police Station. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










