Isinagawa ang operasyon noong Setyembre 5 at 6 sa pangunguna ni PLTCOL David G. Dulnuan, Deputy Provincial Director for Operations, kasama ang mga tauhan ng Ilocos Sur Police Provincial Office Drug Enforcement Unit, 2nd Ilocos Sur Provincial Mobile Force Company, ISPIDMU-KIMAT, PDEA Region 1 at Sugpon Municipal Police Station.
Ayon sa Ilocos Sur Police Provincial Office, umabot sa kabuuang 476 metro kuwadrado ang lawak ng siyam na cultivation sites na natukoy sa lugar.
Nasira at nabunot sa operasyon ang 2,740 fully grown marijuana plants at 1,400 seedlings na may kabuuang tinatayang halaga na 604-libong piso.
Walang cultivator na naaresto sa operasyon.
Gayunman, sinabi ng ISPPO na nagpapatuloy ang kanilang pagbabantay at operasyon upang maputol ang marijuana cultivation sa mga liblib na kabundukan ng Sugpon at matiyak na hindi muling mapagtataniman ang mga natukoy na lugar.
Binigyang-diin ng ISPPO na magpapatuloy ang kanilang anti-illegal drugs operations bilang bahagi ng pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan at kaligtasan sa buong lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










