Aabot sa 180 dayuhan ang hindi pinapasok sa bansa ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa pagiging bastos.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ang nasabing bilang ng “rude foreigners” ay naitala noong 2019 na bahagyang mas mataas kumpara sa 133 noong 2018.
Maliban sa pagpapabalik sa kanilang bansa, isinama na rin ang mga ito sa blacklist ng ahensya.
Giit ni Morente, hindi nila hahayaan ang anumang physical at verbal abuse ng mga dayuhan sa kabila ng ipinatutupad na maximum tolerance ng BI officers.
Ayon naman kay BI Port Operations Division Chief Grifton Medina, karamihan sa mga naitalang rude aliens ay mula sa mga paliparan sa Metro Manila at Mactan, Cebu.
Kabilang naman sa mga naharang na bastos na dayuhan at 63 Chinese, 23 Koreano, 10 Amerikano, 9 na Japanese, 8 Australians at 5 Briton.