Nakiisa ang nasa 1,800 Dagupeños sa pagtatanim ng puno sa kahabaan ng animnapung dekadang taong dumpsite sa Bonuan Tondaligan kahapon kasabay ng ika-78 Charter Anniversary ng lungsod.
Tinatayang 1,500 native trees tulad ng narra at niyog ang itinanim ng mga kalahok mula sa mga pribado, pampubliko institusyon, establisyimento at ahensya ng gobyerno.
Ayon kay Mayor Belen Fernandez, simbolo ng pakikiisa ng Dagupan sa ASEAN Vision na maging responsable sa pangangalaga sa kalikasan.
Inilahad ng alkalde ang ilan pang nakalinyang proyekto sa Tondaligan Beach upang maging Eco-Tourism Site tulad ng installation ng street lights, pagpapatayo ng Gen. Douglas MacArthur Museum, Pavilion, pagtatatag ng surfing spot at karagdagang trabaho para sa mga Dagupeño.
Sa parehong araw, umarangkada rin ang public service caravan sa iba’t-ibang opisina ng gobyerno at distribusyon ng financial assistance sa 1,200 solo parent.
Positibo ang alkalde sa magandang maidudulot ng proyekto para sa sektor ng turismo at kabuhayan ng nga residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







