18,000 pounds ng food packs, equipment at PPEs, nai-transport ng Philippine Air Force sa Legazpi at Catanduanes

Nai-transport na ng C130 at C295 Aircraft ng Philippine Air Force na naglalaman ng food packs, equipment at Personal Protective Equipment (PPE) na aabot sa 18,000 pounds sa Legazpi City sa Albay at Virac, Catanduanes kaninang umaga.

Ayon kay Philippine Airforce Spokesperson Lieutenant Colonel Aristedes Galang, ang mga isinakay sa C130 aircraft ay isang communication van, generator set, 15 cap bed at 10 tents.

Kabilang pa ang apat na kahon ng PPEs mula sa PAF at 150 kahon ng bottled water.


Habang nai-transport naman ng C295 aircraft ang 235 na kahon ng food packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) patungo sa Virac, Catanduanes.

Sinabi ni Galang, ang hakbang na ito ng Philippine Air Force ay upang makatulong at mabawasan ang paghihirap ng mga pamilyang matinding sinalanta ng Bagyong Rolly.

Giit pa ng opisyal, laging handa ang Philippine Air Force sa pagtulong sa relief efforts ng bansa para sa mga nangangailang Pilipino.

Facebook Comments