Una rito, pasado alas-9:34 ng makatanggap ng tawag ang pulisya mula sa isang concerned citizen para ipaalam ang nangyaring pagpapakamatay umano ng dalaga na kaagad naman nilang nirespondehan.
Kinilala ang biktima sa alyas na “Jane”, 19-anyos at residente ng isang barangay sa Benito Soliven, Isabela.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PMAJ. Rufo Figarola, hepe ng PNP Benito Soliven, lumalabas na natagpuang nakabitin ang leeg ng biktima gamit ang lubid na may habang 467 cm. sa loob ng kanyang kwarto at pinaniniwalaang dahilan ng kanyang pagkamatay.
Noong August 13, 2022, nagkaroon muna ng pag-uusap ang biktima at kanyang ama kung saan sinabi ng biktima sa kanyang ama ang intensyon nitong makapag-aral sa kolehiyo ngunit sinabi ng ama na hindi na nito kayang suportahan ang pag-aaral dahil sa walang sapat na pera para tustusan ang pangangailangan nito sa pag-aaral.
Pasado alas-7:20 ng gabi noong araw na iyon, ang biktima at nanay nito ay pumasok sa loob ng kwarto ni alyas “Jane” ngunit sinabi ng dalaga na iwan muna siya sa kwarto.
Kinabukasan, kinatok ng nanay ng dalaga ang kwarto ng biktima pero walang naging tugon ang dalaga kaya gumawa ng paraan ang ina nito para buksan ang bintana at tumambad ang nakabitin na katawan ng dalaga.
Ayon pa kay PMAJ. Figarola, batay sa salaysay ng tatay ng biktima ay labis ang panghihinayang nito sa sinapit ng anak at pagsisisi sa hindi magandang naging takbo ng usapan noong araw na iyon bago matagpuan ang wala ng buhay na biktima.
Kumbinsido naman ang pamilya na suicide incident ang dahilan ng pagkamatay ng kanilang anak.