19-anyos na Miyembro ng Abraham Henry Command, Sumuko sa Pamahalaan

Cauayan City, Isabelqa- Sumuko sa mga awtoridad ang isang miyembro ng Abraham Henry Command, Komiteng Probinsya ng Cagayan, Communist Terrorist Group nitong sabado, Disyembre 26 sa Barangay Cunig, Gattaran, Cagayan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, nagtungo ang mga kasapi ng PNP Alcala at Regional Intelligence Division 2 sa bahay ng isang nagngangalang Domingo sa nabanggit na barangay kung saan isang alyas ‘Christian’, 19-anyos, binata at isang magsasaka ang sumuko sa mga awtoridad.

Nabatid na ang sumukong miyembro ay naging kasapi ang komunistang grupo taong Disyembre 10, 2019 kung saan pawang nahikayat ito ng isang ‘Ka Judel’, isang Aeta na nasa ilalim ng nagngangalang ‘Ka Rissik’ ng Squad Dos, KOMPROB Cagayan.


Si alyas ‘Christian’ ay sumailalim sa isang (1) buwan na pagsasanay sa bulubunduking bahagi ng sa bayan ng Baggao.

Maliban pa dito, inilaan din ng dating miyembro ng rebelde ang kanyang nalalabing araw sa bulubunduking bahagi ngaman ng mga bayan ng Gonzaga, Gattaran at Baggao hanggang sa bumitaw na ito sa grupo taong Hunyo 2020 at napagtanto na sumuko para tuligsain ang kanyang pagkakabilang sa teroristan grupo.

Facebook Comments