19 na election hotspots, binabantayan

Manila, Philippines – Binabantayan ng Philippine National Police (PNP) ang 19 na siyudad at munisipalidad na ikinukunsiderang election hotspot kasabay ng pagsisimula ng election period bukas, January 13.

Ang mga election hotspots ay mga lugar kung saan may naitatalang karahasan o kaguluhan.

Ayon kay PNP deputy spokesperson Kimberly Molitas – patuloy ang kanilang validation at nakikipagtulungan na sila sa Armed Forces of the Philippines (AFP).


Karamihan sa hotspots ay nasa ARMM kabilang ang Basilan, Lanao del Sur at Maguindanao.

Inirekomenda na rin na ipasailalim sa Comelec control ang Daraga, Albay kasunod ng pagpatay kay Ako Bicol Representative Rodel Batocabe.

Sinabi ni Comelec chairperson Sheriff Abas – kapag ang lugar ay nasa ilalim ng Comelec control, hawak ng komisyon ang authority sa mga pulis at sundalo.

Facebook Comments