Inihayag ng pamunuan ng Antipolo City Government na para hindi naman maaabala ang mga nagpapasuri sa Antipolo Annex 2 sa Brgy. Dalig, pansamantala pa ring nakasara ang kanilang COVID-Emergency Room matapos ang Contact Tracing at matuklasan na na-expose ang 19 medical at non-medical frontliners.
Ayon kay Antipolo City Mayor Andrea “Andeng” Ynares, sila ay nakunan na ng swab samples at kasalukuyang naka-quarantine habang hinihintay ang resulta ng COVID-19 RT-PCR Test.
Tiniyak naman ni Mayor Ynares na ibabalik nila ang serbisyo sa nasabing section ng ospital sa lalong madaling panahon.
Sa ngayon, aniya ay may siyam (9) na bagong kaso ng COVID-19 ang nadagdag sa Antipolo City kaya’t umakyat na sa 349 na ang kumpirmado nilang kaso kung saan 35 ang nasawi at 164 ang gumaling na sa COVID-19.