19 na mga suspek sa nangyaring pamomoba sa Gensan, sinampahan na ang kaso

GENERAL SANTOS CITY— Sinampahan na ng kasong multiple frustrated murder ng kapulisan ang nasa labing-siyam katao na suspek sa nangyaring pamomomba sa lungsod ng Heneral Santos noong Setyembre 16.

Kabilang sa mga nasampahan ng kaso ay si Jeffrey Alonzo na naunang nahuli sa isinagawang buybust operation ng Polomolok Municipal Police Station na siya ring nagturo sa mga kasamahan nito.

Nasampahan rin ng kaso sina Mer Kuna at Basser Sahak na parehong miyembro ng Ansar Al Khilafa Philippines.


Sa ngayon ay hindi pa pinapangalanan ng Police Regional Office 12 ang nasa labing-anim dahil wala pa umano silang nakukuhang Computerized Facial Composite.

Dagdag pa na ang mga ito ay parehong mga miyembro ng AKP na siyang nagplano sa isinagawang pamomomba kung saan ang tatlong pinangalanan ay ang mga responsable sa pag-iwan ng bomba sa harap ng isang lying in sa Prk. Malipayon, Brgy. Apopong nitong lungsod na ikinasugat ng walong biktima.

Nilinaw naman ang Police Regional Office 12 na ang isang itinuturing na suspek na si Samrud Embang na namatay sa buybust operation ng Polomolok Municipal Police Station ay hindi kasali sa mga nasampahan ng kaso dahil huli na ng lumutang ang pangalan nito na miyembro ng AKP.

Facebook Comments