19 patay, 50 sugatan sa pagsabog sa concert ng pop star na si Ariana Grande sa Manchester Arena sa England – DFA, inaalam na kung may nadamay na pinoy sa insidente

Manila, Philippines – 19 ang kumpirmadong patay habang 50 ang sugatan sa nangyaring pagsabog sa concert ng American pop star na si Ariana Grande sa Manchester Arena sa England.

Ayon sa isa sa mga witness na si Ivo Delgaldo – isang malakas na pagsabog ang kanilang narinig mula sa entrance hall ng arena nang papalabas na ang mga fans matapos ang concert.

Hindi naman naiwasan ng concert goer na si Kiera Dawber na maiyak matapos na masaksihan ang pagsabog.


Inaalam na ngayong ng mga otoridad ang dahilan ng pagsabog pero itinuturing ng north west counter terrorism unit ang insidente na posibleng terroristic attack o suicide bombing.

Nasa maayos naman ng kalagayan si Ariana matapos itong mag-hysterical dahil sa insidente.

2015 nang bumisita si Ariana sa bansa at may comeback concert sa buwan ng Agosto ngayong taon.

Patuloy din inaalam ng Department of Foreign Affairs kung may nadamay na pinoy sa nasabing pagsabog.
Photo from: CNN Wire Images
DZXL558

Facebook Comments