19 taong gulang na GRO pinagsasaksak ng kaniyang kasintahan sa Pangasinan dahil umano sa selos, patay

Patay ang isang Guest relationship Officer (GRO) matapos itong pagsasaksakin ng kaniyang karelasyon sa isang motel sa Sta. Barbara Pangasinan.
Sa panayam ng Ifm Dagupan kay Police Major Michael Datuin, Investigation Officer ng PNP Sta. Barbara, gabi ng nagpunta sa motel ang magkasintahan na kinilalang si Crystill Cruz, 19 taong gulang at ang kasintahan nitong si Richard Cabinta 49 tang gulang ng magcheck in sa motel.
Maya maya pa lumabas si Cruz at naliligo na sa sariling dugo at himhingi ng tulong sa mga empleyado ng motel dahil pinagsasaksak siya ng kaniyang karelasyon.
Naitakbo pa ang biktima sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.
Naaresto naman ang suspek matapos magsagawa ng follow up operation ang otoridad at narekober ang patalim na may habang 13 pulgada na ginamit sa pananaksak.
Selos umano ang isa sa tinitignan anggulo sa pananaksak.

Facebook Comments