195 NA BARANGAY SA PANGASINAN, HINDI PA DRUG CLEARED

Aabot sa 195 mula sa 1, 136 na barangay sa Pangasinan ang nanatiling apektado ng iligal na droga.
Ito ang inihayag ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Pangasinan Provincial Director batay sa kanilang datos ng drug clearing program.
Sa nasabing bilang ng barangay mula ito sa 27 munisipalidad at isang siyudad.

Nakiusap ang kagawaran sa mga LGU na iprayoridad ang pagsasagawa ng Balay Silangan upang matutukan ang mga residenteng apektado ng iligal na droga.
Patuloy naman ang pagsasagawa ng PDEA Pangasinan ng seminar sa mga paaralan upang mailayo ang mga kabataan sa ilegal na gawain.
Hinikayat ng PDEA Pangasinan na kung mayroong ilegal na gawain ukol sa droga ay agad na magsumbong sa awtoridad. | ifmnews
Facebook Comments