Libreng sakay, pasisinayaan ng DOTr at Office of the Vice President sa PITX

95

Pasisinayaan mamayang alas-10:00 ng umaga ng Department of Transportation (DOTr) at Office of the Vice President ang Libreng Sakay Program sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa Parañaque City.

Ayon sa DOTr, inaasahang dadaluhan nina Vice President Sara Z. Duterte at DOTr Secretary Jaime Bautista Jr., ang libreng sakay sa PITX.

Inaasahan din ang pagsasagawa ng inspection sina VP Sara Duterte at DOTr Sec. Jaime Bautista sa mga buses upang matiyak na ligtas ang mga pasahero na sasakay patungo sa kani-kanilang mga probinsya.


Facebook Comments