1,986-SQUARE-METER NA LOTE, INILAAN PARA SA BAGONG HIMPILAN NG PULISYA SA ALAMINOS CITY

Naglaan ang City Government of Alaminos ng isang 1,986-square-meter na lote para sa pagtatayo ng bagong PNP Standard Building at Perimeter Fence ng Alaminos City Police Station.

Isinagawa ang groundbreaking ceremony para sa proyekto na nagbigay ng bagong pasilidad para sa mga pulis kasama ng pagpapalakas ng serbisyo para sa kaligtasan ng publiko.

Isinagawa ang proyekto sa suporta ni Congressman Arthur F. Celeste.

Dumalo sa seremonya sina PNP Regional Director PBGen Crisaleo R. Tolentino, Regional Logistics and Research and Development Division OIC Haron Rasid R. Ali, at OIC Pangasinan PPO PCol Dennis De Leon, kasama ang iba pang opisyal ng PNP.

Nakiisa rin sa okasyon ang mga city councilor, punong barangay, department heads at mga katuwang na ahensya ng pamahalaan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments