Alok na petrolyo ng Russia, makabubuting ikonsidera ng gobyerno

Iminungkahi ni Senator Koko Pimentel sa papasok na Marcos administration na ikonsidera at huwag agad na tanggihan ang alok ng Russia na magsuplay sa ating bansa ng petrolyo.

Sabi ni Pimentel, maaari naman na kausapin at pakiusapan ng Malacañang ang Estados Unidos na huwag parusahan ang Pilipinas kapag bumili ng petrolyo sa Russia.

Ayon kay Pimentel, pwedeng ipaliwanag Malacañang sa Estados Unidos na nalalagay ngayon sa alanganin ang bansa dahil sa suplay at presyo ng petrolyo.


Dagdag pa ni Pimentel, kung maaari ay sabihin ng Pilipinas na kung mahal tayo ng America ay hahayaan tayong bumili ng murang langis sa Russia.

Magugunitang nagpahayag ang Pilipinas ng pakikiisa sa Estados Unidos at iba pang bansa sa pagkundena sa paglusob ng Russia sa Ukraine at itinigil din ng mga bansang iyon ang importasyon ng langis mula sa Russia.

Facebook Comments