Alyansa sa pagitan ng Pilipinas at United Arab Emirates, lalo pang pinalakas

60

Tinalakay ng Pilipinas at United Arab Emirates ang mga bago at umiiral na kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Kabilang dito ang labor relations, trade and investment, turismo at agrikultura.

Nagpahayag din ng pasasalamat si Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo sa gobyerno ng UAE sa maayos na pangangalaga sa kapakanan ng mga Pilipino sa UAE.


Sa ngayon, mahigit 700,000 ang mga Pinoy na naninirahan at nagtatrabaho sa UAE.

Facebook Comments