COVID-19 low risk status ng Pilipinas, hindi ramdam ng mga health workers!

Hindi ramdam ng mga healthcare workers na nasa ‘low risk’ na ng COVID-19 ang Pilipinas.

Giit ni Dr. Jose Rene de Grano, presidente ng Private Hospitals Association of the Philippines, Inc. (PHAPI), bagama’t wala nang pila ay hindi naman bumababa ang bilang ng mga pasyenteng naka-admit sa mga ospital.

Aniya, naglalaro pa rin sa 8,000 hanggang 10,000 pasyenteng may moderate hanggang critical cases ng COVID-19 ang patuloy na ginagamot sa mga pribadong ospital sa buong bansa.


Ayon naman kay Philippine Hospital Association (PHA) President Jaime Almora, pagod pa rin ang mga health workers dahil hindi naman nabawasan ang kanilang workload.

Mas naging mahirap pa nga ngayon dahil sa dami ng mga nurse na nagre-resign sa kanilang trabaho.

Facebook Comments