COVID-19 vaccine, hindi dapat sapilitang iturok sa mamamayan dahil nasa ilalim pa ng emergency use approval

Kinontra ni Senator Imee Marcos ang mungkahi na magpasa ng batas na mag-oobliga sa mamamayan na magpabakuna laban sa COVID-19.

Ito ay sa harap ng napipintong pag-expire sa loob ng tatlong buwan ng ng 27 milyong doses ng COVID-19 vaccine na mayroon ang Pilipinas.

Giit ni Marcos, bawat isa ay may karapatang magdesisyon kung magpapabakuna o hindi.


Katwiran nito, hindi dapat gawing sapilitan ang pagpapaturok ng COVID-19 vaccine na hanggang ngayon ay nasa ilalim pa ng emergency use approval at hindi pa batid ang pangmatagalang epekto nito sa tao.

Tinukoy rin ni Marcos ang pahayag ni United Nations High Commissioner for Human Rights Michelle Bachelet na walang kahit anong sitwasyon ang pwedeng magpwersa sa tao na magpabakuna.

Facebook Comments