Ilang lugar sa bansa pasok na sa Alert Level 1

51

Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagsasailalim sa Alert Level 1 ng iba pang lugar sa bansa.

Ayon kay Presidential Communications Secretary and acting Presidential Spokesperson Martin Andanar kabilang sa mga mapapasailalim na ngayon sa Alert level 1 ay ang Mountain Province sa Cordillera Administrative Region, Southern Leyte sa Region VIII, at Misamis Oriental sa Region X.

Bumaba na rin sa Alert level 1 ang Buguias sa Benguet, Atimonan at Tiaong sa Quezon, Santa Magdalena, Masbate city sa Region V, Batad at Zarraga sa Iloilo, City of Talisay sa Region VII, Javier (Bugho) and La Paz sa Leyte, Maslog sa Easter Samar gayundin ang Paranas sa Region VIII, Linamon sa Lanao del Norte at Calamba sa Misamis Occidental sa Region X, Padada sa Davao del Sur Region XI, Sibagat sa Agusan del Sur at Tubajon, Cagdianao sa Dinagat Islands sa CARAGA.


Epektibo ito simula bukas, April 9 at tatagal hanggang April 15, 2022.

Facebook Comments