Dalawang Chinese arestado sa pangingidnap nang kanilang mga kababayan sa Las Piñas City

Hinuli ng mga tauhan ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang dalawang Chinese dahil sa ginawang pagdukot sa tatlong mga kapwa nila Chinese sa Almaza Uno, Las Piñas City.

Kinilala ang mga naarestong Chinese na sina Gao Yuan-yuan at Qin Yue Hang, mula sa Hunan, China.

Habang ang kanilang mga biktima ay sina Su Pengyin, Zhiwei Xu at Cao Qi Su na mga empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) dito sa Pilipinas.


Si Cao ay dinukot ng mga kidnaper na Chinese noong Setyembre 21, sa may Okada Hotel and Resort habang si Zhiwei ay dinukot nitong Hulyo.

Ginawa ng PNP-AKG ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon mula sa Chinese Embassy nitong Oktobre 12, kaugnay sa umanoy illegal detention na ginawa sa tatlong Chinese.

Kaya ikinasa ang rescue operation sa Building D, Xunchuang Network Technology Inc., sa kahabaan ng Alabang-Zapote Road sa Almaza Uno, Las Piñas City at na-rescue ang mga biktima at nahuli ang dalawang Chinese kidnaper.

Nasampahan na nang kasong kidnapping at illegal detention ang dalawang Chinese na suspek.

Facebook Comments