Desisyon ng SC hinggil sa Anti-Terrorism Act, welcome sa Palasyo

Welcome para sa Palasyo ang naging desisyon ng Korte Suprema hinggil sa Republic Act No. 11479 o “Anti-Terrorism Act of 2020.”

Ayon kay Presidential Communications Secretary and acting Presidential Spokesperson Martin Andanar ang desisyong ito ng Supreme Court ay maituturing na tagumpay para sa lahat ng peace-loving at law-abiding Filipinos.

Ang desisyon ding ito aniya ay magsisilbing babala laban sa terorista dahil ang Pilipinas ay hindi safe haven para sa kanila.


Matatandaang sa desisyon ng Kataas-Taasang Hukuman, ibinasura with finality ang mga apelang inihain na kumukwestyon sa legalidad ng Anti-Terrorism Act.

Facebook Comments