DBM inaprubahan na ang mahigit ₱1.5-B emergency shelter assistance para sa mga nasiraan ng bahay dahil sa Bagyong Odette

67

Ini-release na ng Department of Budget and Management (DMD) ang mahigit ₱1.5-B pondo sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa tig- sampung libong pisong emergency shelter assistance ng mahigit 150,000 households na matinding naapektuhan ng Bagyong Odette nang nakaraang taon.

Sinabi ni DBM Secretary Amenah Pangandaman na ang mahigit 1 bilyong pondo ay special allotment para sa konstruksyon ng 153,410 na mga totally damaged houses sa regions 6, 8, 10 at 13.

Ayon kay Pangandaman, nagsumite ng kanilang hiling ang DSWD nitong August 2 na natanggap ng DBM ng August 3 kaya agad nailabas ang karampatang Special Allotment Release Order o SARO nitong August 8.


Binigyang diin ni Pangandaman na bawat isa ay itinuturing ang tahanan bilang ligtas na lugar kung kaya’t dapat lamang na matulungan ang mga pamilyang nasiraan ng bahay na maisaayos ito.

Facebook Comments