Libreng sakay sa LRTA para sa mga estudyante, tuloy simula sa August 22

55

Nagpapatuloy ang libreng sakay sa Light Rail Transit (LRT) line 2 para sa mga estudyante sa pagsisimula ng face-to-face classes ngayong Agosto.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Atty. Hernando Cabrera na gagawin ang libreng sakay sa LRT line 2, simula August 22 hanggang November 5, 2022.

Ito ay para kahit papaano’y maibsan ang pasanin ng mga estudyante para sa kanilang pamasahe.


Sinabi ni Cabrera na nakapaglatag na sila ng sistema para sa pagpapatupad nito.

Kailangan lamang aniyang ipakita ng estudyante ang kaniyang school ID o proof of enrollment sa teller para bigyan siya ng single journey ticket na walang bayad na siyang gagamitin niya papasok sa platform area ng station.

Sinabi pa ng opisyal na matapos ang November 5 ay balik na rin ang dating 20% discount sa mga estudyante.



Facebook Comments