
Dikit at sunod-sunod ang mga aktibidad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang working visit sa United Arab Emirates.
Ayon kay Palace Press Officer at Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro, sinimulan ng pangulo ang kaniyang araw sa isang working breakfast kasama ang mga miyembro ng kaniyang gabinete.
Makikipagpulong din si Pangulong Marcos kay UAE President Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan sa Abu Dhabi.
Kasama rin sa iskedyul ng pangulo ang pagdalo sa pagbubukas ng Abu Dhabi Sustainability Week, kung saan inaasahan siyang magbibigay ng talumpati, gayundin sa Zayed Sustainability Prize awarding.
Isa sa mga pangunahing layunin ng biyahe ang paglagda sa Comprehensive Economic Partnership Agreement o CEPA, na itinuturing na kauna-unahang free trade agreement ng Pilipinas sa Gitnang Silangan.
Inaasahang makikinabang sa kasunduan ang halos 900,000 Pilipino sa UAE, karamihan sa kanila ay mga Overseas Filipino Workers (OFWs).










