Balik na sa normal ang sitwasyon sa harapan ng National Museum makaraan buksan na uli ito sa publiko at nakararaan na ang mga motorista sa naturang lugar.
Nahihirapan kanina ang mga sumusuporta kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na makontak ang kanilang mga kamag-anak, kaibigan at mga katrabaho dahil sa nagkaroon ng signal jammer pero sa ngayon ay inalis na kaya’t nagkaroon na ng signal ang lahat ng network.
Tinatanggal na rin ang scafolding at mga harang sa harapan ng National Museum kaya’t nakararaan na ang mga motorista sa naturang lugar.
Umalis na rin ang mga taga-suporta at maging ilang mga nagsagawa ng kilos protesta sa Liwasang Bonifacio at Plaza Miranda maging ang mga miyembro ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ay umalis na rin sa lugar pero mayroon pa rin nagbabantay na mga pulis sa Mendiola kung saan magsasagawa ng “Thanksgiving Concert” sa naturang lugar.