Pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte, kahanga-hanga para sa isang senador

111

Humarap sa matitinding pagsubok sa kasaysayan, tulad ng COVID-19 pandemic, ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD).

Pero ayon kay Senator Sonny Angara, dahil sa strong political will at mahusay na pamamahala ay nagawa ni Pangulong Duterte na labanan ang ilegal na droga at tuparin ang pangako na gawing ligtas na lugar para sa mga Pilipino ang ating bansa.

Pinuri rin ni Angara ang economic team ng Duterte administration na syang dahilan kaya tumaas ang credit rating at investments sa bansa na napakinabangan ng lahat ng mamamayan hanggang sa hinaharap.


Diin pa ni Angara, nagawa ng Duterte administration na tahakin ang landas patungo sa pagbangon na isang magandang iiwan nito sa Marcos administration.

Tiyak ni Angara na mai-enjoy na mabuti ni Pangulong Duterte ang kanyang pagreretiro dahil alam nya na sa mabuting kamay ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos niya ipapasa ang kanyang mga nagawa para sa bansa.

Facebook Comments