Aabot sa 1,638 na guro ng Senior High School (SHS) ang muling pinayagang makakapagturo ngayong taon.
Ito ay matapos aprubahan ng Civil Service Commission (CSC) ang request ng Department of Education (DepEd) na i-renew ng kanilang provisional appointments ngayong School Year 2021-2022.
Ayon sa DepEd, makakatanggap din ng priority status ang mga naapektuhang guro ng SHS na naka-schedule sa 2021 Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT) sa darating na Setyembre.
Matatandaan na ipinagpaliban ang 2020 LEPT dahil sa pandemya.
Facebook Comments