Ilang botante sa Gregorio Perfecto High School, nagalit matapos hindi makaboto

66

Bahagyang nagkagulo sa ikinakasang botohan sa Gregorio Perfecto High School sa Tondo,Maynila.

Ito’y matapos na ipatupad ng election officer ng COMELEC-Manila pasado alas-7:00 ng gabi kanina.

Matatandaan na ipapatupad ang cut-off mula sa unahan hanggang sa 30 meters ng pila.


Dahil dito, nagkaroon ng tulakan para makapasok ang iba na umaga pa pumila pero umalis at bumalik muli kinagabihan.

Nasa 20 indibidwal ang nagpumilit na pumasok pero hindi nila ito nagawa dahil sa higpit ng seguridad na ipinatupad ng mga otoridad.

Reklamo ng iba, mabagal ang proseso kung saan umabot ang dulo ng pila hanggang Juan Luna Street sa Tondo.



Facebook Comments