Ilang mga maliliit na negosyante na naapektuhan ng Bagyong Karding sa Dingalan, Aurora, nakatanggap ng tulong mula sa RMN Foundation

Nasa 100 residente ang agad na nakatanggap ng ayuda mula sa RMN Foundation sa ikinasang Oplan Tabang sa Dingalan, Aurora.

Ang mga ito ay pawang nasa sektor ng Micro, Small and Medium Enterprise (MSME) mula sa 11 barangay sa nasabing lalawigan na naapektuhan ng Bagyong Karding.

Sa naging pahayag ni City Administrator Shiela Taay, nagpapasalamat siya sa effort na ginawa ng RMN Foundation lalo na’t karamihan sa kanilang kababayan ay hirap at hindi pa rin makaahon dahil sa epekto ng bagyo.


Ilan naman sa mga nabigyan ay todo pasasalamat sa kanilang mga natanggap kung saan ilan lang sila sa lubos na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa bagyo.

Bukas, nakatakda magtungo ang RMN Foundation at Inner Wheel Clubs of the Philippines sa Brgy. Poblacion at Brgy. Davil-davilan sa Dingalan para maghatid ng relief packs.

Katuwang naman ng RMN Foundation ang Metrobank Foundation at GT Foundation sa paghahatid ng tulong sa ilan nating mga kababayan na naapektuhan ng nagdaang Bagyong Karding.

Facebook Comments