4 pang embahada, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng pinaslang na radio broadcaster

161

Nagpaabot na rin ng kanilang pakikiramay sa pamilya ni Percival Mabasa alyas Percy Lapid ang iba pang embahada na nasa Pilipinas.

Partikular ang ipinalabas na public statement ng mga Embahada ng United Kingdom Britanya, Denmark at France.

Inihayag ng UK Embassy na suportado nila ang panawagan ng Media Freedom Coalition para sa mabilis na imbestigasyon at hustisya sa mga naulila ng brodkaster.


Ayon naman sa mga Embahada mg Denmark at France, dapat pa rin daw mangibabaw ang Kalayaan sa pamamahayag at tiyakin ng Estado ang proteksyon ng mga journalist sa Pilipinas.

Una na ring nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ni Lapid ang Embahada ng The Netherlands at Canada.

Facebook Comments