Inilabas na ng Commission on Elections ang honoraria para teaching at non-teaching personnel na magsisilbi sa 2022 national elections.
Sa Resolution No. 10727 na inilabas ng COMELEC, makakatanggap ang mga election workers batay sa kanilang gagampanan sa halalan.
Para sa:
• Chairperson of Electoral Board (EB) – P7,000
• Members of EB – P6,000
• DepEd Supervisor Official (DESO) – P5,000
• Support Staff – P3,000
• Medical Personnel – P3,000
Pero ang nasabing honoraria ay mas mababa sa remuneration rates na inaprubahan ng COMELEC noong Hunyo, batay na rin sa hiling ng Department of Education na taasan ang bayad sa mga gurong magsisilbi sa halalan.
Batay sa inaprubahan ng COMELEC noong Hunyo, makakatanggap ang mga:
• Chairperson of the EB -P9,000
• Members of EB – P8,000
• DepEd Supervisor Official (DESO) – P7,000
• Support staff – P5,000
Sa kabila nito, sa latest resolution ng COMELEC ay binigyan ng P2,000 na travel allowance ang mga chairperson at member ng Election Board habang may P1,000 naman para sa mga medical personnel, mga staff ng Emergency Accessible Polling Place (EAPP) at Isolation Polling Place (IPP).
May matatanggap din na communication allowance at anti-COVID-19 allowance na nagkakahalaga ng P500.