Nakapagtala na ang India ng kauna-unang kaso ng monkeypox virus.
Ito ay kinumpirma ni National Institute of Virology Head Priya Abraham kung saan ang naturang indibidwal na nagpositibo sa nasabing sakit ay may travel history sa Middle-East.
Sinabi naman ng health minister ng Southern Kerala state na stable na ang kalagayan ng lalaki at normal na ang vital sign nito.
Sa ngayon, ayon sa World Health Organization (WHO) na aabot na sa mahigit 60 na mga bansa ang may kumpirmadong kaso ng monkeypox virus kung saan umaabot na sa halos 10,000 ang kaso sa naturang mga bansa.
Facebook Comments