Gilas Pilipinas, nasungkit na ang unang panalo sa 2022 FIBA Asia Cup

80

Nasungkit ng Gilas Pilipinas ang kanilang unang panalo kontra sa India sa 2022 FIBA Asia Cup.

Pinataob ng Gilas ang India sa iskor na 101-59.

Nanguna sina Will Navarro at Thirdy Ravena kung saan nakapagtala sila ng 18 points at 17 points.


Narito pa ang ilang manlalaro ng Gilas Pilipinas na nakapagtala ng mga puntos:

 Ray Parks (12 points)
 Rhenz Abando (10 points)
 Carl Tamayo (9 points)
 Francis “LeBron” Lopez at RJ Abarrientos (8 points)
 Kevin Quiambao at JP “Poy” Erram (6 points)
 SJ Belangel – (4 points)
 Kiefer Ravena (3 points)

Sa ngayon, nasa ikatlong puwesto na ang Gilas Pilipinas sa Group D na may 1-1 win-loss slate.



Susunod naman na makakalaban ng Gilas Pilipinas ang New Zealand sa Hulyo 17.

Facebook Comments