Iniwang pinsala ng lindol sa mga kalsada, pumalo na sa halos P60-M

Sumampa na sa P59.23 million ang iniwang pinsala sa mga kalsada sa mga lugar na tinamaan ng magnitude 7 na lindol sa Abra kahapon.

Ayon sa DPWH, inaasahang madaragdagan pa ito lalo’t nagpapatuloy pa ang assessment ng ahensya.

Samantala, ilang kalsada na ang bukas na muli sa mga motorista kabilang ang Abra-Kalinga Road, Abra-Ilocos Norte at Abra-Cervantes Road sa Abra.


Gayundin ang Mt. Province-Kalanan Road, Pinukpuk-Abbut Road, Kalinga-Abra Road, Mt. Province-Ilocos Sur Road, Mt. Province-Cagayan via Tabuk-Enrile Road sa Kalinga; at ang Calumbuyan Bridge sa Ilocos Sur.

Madaraanan na rin ang Aquino Road, Baguio City, Baguio-Bauang Road, Vizcaya Road, Marcos Highway, Benguet Road at Cong. Andres Acop Cosaean Road sa Benguet habang nagpapatuloy ang clearing operations sa Kennon Road.

Samantala, sumampa na rin sa P20 million ang pinsalang iniwan ng lindol sa irigasyon.

Kabilang dito ang P15 million na pinsala sa maintenance ng Banaoang Pump Irrigation System na nagsu-supply sa higit 2,000 ektaryang sakahan sa Bantay, Ilocos Sur.

Facebook Comments