Isa pang panukala na nagbabawal sa “substitution” ng kandidato, inihain sa Kamara

Isa pang panukalang batas ang inihain sa Kamara na nagsusulong na ipagbawal ang “substitution” sa dahilan ng “withdrawal” o pag-atras ng isang kandidato sa eleksyon.

Sa House Bill 10500 na inihain ni Calamba City Rep. Joaquin Chipeco, pinaaamyendahan ang Sections 69 at 77 ng Omnibus Election Code.

Iginigiit sa panukala na dapat nang mahinto ang “mockery” o panghahamak sa proseso ng eleksyon, gayundin ang panloloko sa mga botante.


Binanggit sa panukala na mayroong ilang partido na nakasanayan nang maglagay ng “place holders” para sa ibang kandidato.

Dahil dito at sa iba pang rason, iginiit sa panukala na kailangan ng pagbawalan ang substitution ng mga kandidato sa “grounds of withdrawal.”

Facebook Comments