Karagdagang 500,000 na bakuna ng Sinovac na binili ng gobyerno, dumating na sa bansa

Dumating na sa bansa ang karagdagang 500,000 na Sinovac vaccines na binili ng pamahalaan.

Alas-7:05 ng umaga nang lumapag sa NAIA Terminal-2 ang Cebu Pacific Chartered flight 5J671 mula Beijing, China.

Ang mga nasabing bakuna ay agad na isinakay sa mga refrigerated container vans kung saan dadalhin ito sa isang cold storage warehouse sa Marikina City.


Matapos nito, agad rin itong ipapamahagi sa iba’t ibang Local Government Units (LGUs) upang makumpleto na ang nauna nilang pagbabakuna gamit ang Sinovac vaccines.

Dahil dito, nasa 3.5 milyong doses na ng Sinovac vaccine ang natanggap ng Pilipinas pero ang isang milyon dito ay donasyon ng China.

Matatandaan na unang sinabi ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na target na matapos ang pagbabakuna sa mga A1 hanggang A3 priority list at kung sakaling dumating naman ang mga iba pang bakuna ay sisimulan na ang COVID-19 vaccination sa publiko sa buwan ng Agosto.

Facebook Comments