No make-up at fresh look video ng pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2020 na si Rabiya Mateo, usap-usapan!

81

Usap-usapan ngayon ang no make-up at fresh look video ng pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2020 na si Rabiya Mateo.

Kahit ilang araw na kasi itong naipost sa TikTok ay patuloy pa rin na natutuwa ang fans sa video ni Rabiya na patungkol sa pagpapR3akita ng totoong sarili.

Bukod sa fans, pinusuan din ito ng kaniyang kapwa beauty queens.


Kabilang sa mga humanga ang co-candidates na sina Miss Universe India Adline Castelino at Miss Universe Australia Maria Thattil.

Samantala, malaki naman ang tiwala ng mga kapwa beauty queens na si Ariella Arida at Kimberly “Billie” Hakenson na maiuuwi ni Rabiya ang ika-limang korona sa Miss Universe pageant.

Facebook Comments