Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na umaabot na sa 92,343 ang dengue cases sa bansa mula noong Enero.
Mas mataas ito ng 118% kumpara sa mga kaso sa kaparehong panahon noong 2021 na umaabot lamang sa 42,294
Kabilang sa nakapagtala ng mataas na kaso ang.
Region III (15,951, 17%)
Region VII (9,429, 10%)
NCR (7,962, 9%)
9 naman mula sa 17 rehiyon sa bansa ang lumagpas sa epidemic threshold sa nakalipas na apat na linggo kung saan nangunguna rito ang MIMAROPA at NCR.
Umaabot naman sa 344 ang mga binawian na ng buhay at ito ay katumbas ng 0.4% Case Fatality Rate.
Facebook Comments