Average ng bilang ng COVID cases sa nakalipas na linggo, mas mataas na lamang ng 13%

82

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 27,331 ng bagong kaso ng COVID-19 sa bansa mula August 1-7.

Bunga nito, ang average na bilang ng bagong kaso kada araw sa nakalipas na linggo ay nasa 3,904.

Ito ay mas mataas lamang ng 13 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Hulyo 25 hanggang 31.


Sa mga bagong kaso, 76 sa mga ito ang may malubha at kritikal.

Samantala 80 naman na COVID patients ang binawian ng buhay noong Hulyo 25 hanggang Agosto 7.

Kahapon, August 7,772 na malubha at kritikal na pasyenteng may COVID-19 ang naka-admit sa mga ospital.



Facebook Comments