Kompanya ng mga nasawi sa Cessna plane crash sa Albay, nanawagan na huwag i-post ang larawan ng eroplano at ng mga biktima

Nakiusap sa publiko ang ang Energy Development Corporation (EDC) na huwag nang i-post sa social media ang larawan ng kanilang mga empleyado na nasawi sa pagbagsak ng Cessna plane sa Albay.

Maging ang pag-post ng wreckage ng eroplano ay huwag na lamang daw gawin.

Ito ay dahil sa makakadagdag ito sa pighati ng pamilya ng mga biktima.


Naglabas lamang daw sila ng mga larawan ng insidente para sa mga awtoridad na nagsasagawa ng imbestigasyon sa pangyayari.

Nagpasalamat naman ang kompanya sa rescuers, mountaineers at sa civil volunteers na tumulong para matunton ang crash site.

Pinasalamatan din ng EDC ang media sa tamang pagre-report ng mga impormasyon sa insidente at sa pagpo-post ng mga tamang larawan.

Facebook Comments