Thursday, November 26, 2026

Visayas Grid, ilalagay sa yellow alert mamayang hapon

Itataas na naman sa yellow alert ang Visayas Grid ngayong mamayang hapon hanggang gani.

Ayon National Grid Corporation of the Philippines o NGCP, ipatutupad ito dakong alas-4:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

Ayon sa NGCP, 11 planta ng kuryente ang kasalukuyang naka-forced outage, habang 18 iba pa ang tumatakbo sa de-rated capacity, dahilan upang umabot sa 616.1 megawatts ang hindi magamit na kapasidad ng grid.

Kabilang sa mga naging dahilan ng yellow alert ang hindi inaasahang pagkawala ng TVI Unit 2 at pagbawas ng kapasidad ng TVI Unit 1, nakaplanong maintenance ng PCPC at KSPC Unit 2, at limitadong suplay ng kuryente mula sa Mindanao Grid.

Ang yellow alert kapag hindi sapat ang operating margin ng grid upang matugunan ang contingency requirement ng transmission system.

Facebook Comments